Alden Richards, sa kaniyang fans: 'I love my fans very much'

Naging emosyonal si Asia's Multimedia Star Alden Richards nang mapag-usapan ang kaniyang fans sa panayam niya sa Fast Talk with Boy Abunda kamakailan.
Ayon kay Alden, napakahalaga ng kaniyang fans sa kaniyang karera at ang mga ito umano ang dahilan ng tagumpay na tinatamasa niya ngayon.
Sabi ni Alden sa batikang TV host na si Boy Abunda, “My fans are not perfect. I'm not perfect. We are all not perfect but one thing is clear and for sure, I love my fans very much.”
Bukod dito, nagkuwento rin si Alden sa mga pinagdaraanan niya ngayon sa buhay, kabilang ang personal na problema, sa karera, at sa pamilya.
Balikan ang naging pag-uusap nila ni Boy sa gallery na ito:







