Ruru Madrid, napaluha nang mapag-usapan ang relasyon nila ni Bianca Umali

GMA Logo  Ruru Madrid and Bianca Umali

Photo Inside Page


Photos

 Ruru Madrid and Bianca Umali



Naging emosyonal si 'Black Rider' lead star at primetime action hero Ruru Madrid sa pangatlong beses na pagbisita niya sa afternoon talk show na 'Fast Talk Boy Abunda.'

Bahagya kasing napag-usapan dito ang relasyon nila ng kapwa Kapuso na si Bianca Umali.

Ayon kay Ruru, isa si Bianca sa mga taong nakakapagpanatili ng mga paa niya sa lupa sa kabila ng mga tagumpay sa kanyang career.

Nasa audience si Bianca at naging emosyonal rin noong inilarawan siya ni Ruru bilang taong "katapat" niya.

"Noong bata ako, iniisip ko, gusto ko pong magkaanak pero parang hindi ko kayang mag-settle with a girl na siya lang habangbuhay. Pero noong dumating siya sa buhay ko, I don't know, for some reason, parang nakaramdam po ako ng spark. At sinabi ko na ito 'yung gusto kong makasama habangbuhay," lahad ni Ruru.

"Hindi ko po 'yun naisip dati. But ngayon, sobrang proud ako na ipagmalaki na 'yun 'yung nararamdaman ko para sa kanya,” dagdag pa ng aktor.

Aminado rin ang 'Black Rider' star na lalong lumalim ang kanyang pagmamahal kay Bianca nang makita niya mismo kung paano naging open and maluwag ang pag-unawa at pagtanggap ni Bianca sa kanilang 'differences.' Nagulat rin siya kung paano nag-effort si Bianca na intindihin ang kanyang paniniwala, gaano man ito kakaiba sa nakagawian ng dalaga.


Ruru Madrid and Bianca Umali
Conversion
Honest
Open
Faith
She's the one
Confirmation

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ