Angel Guardian, may pangako kay Sang'gre Amihan

Masayang nakapanayam ng King of Talk na si Boy Abunda ang seasoned actress na si Iza Calzado sa Fast Talk with Boy Abunda kamakailan.
Matatandaan na naging emosyonal si Iza sa kanyang muling pagbisita sa GMA Network matapos ang 12 na taon. Bukod dito, nakasama rin ni Iza sa nasabing programa ang Kapuso actress na si Angel Guardian.
Si Angel ay ang gaganap bilang Deia, ang tagapangalaga ng Brilyante ng Hangin, sa Encantadia Chronicles: Sang'gre. Si Iza naman ang bumida bilang Hara Amihan sa Encantadia noong 2005.
Sa episode kahapon (November 14), ibinahagi ng Kapuso star ang kanyang pangako kay Amihan. Balikan ang panayam nina Iza Calzado at Angel Guardian sa Fast Talk with Boy Abunda sa gallery na ito.







