Liezel Lopez, maraming natutunan mula kay Gina Alajar

Bumista sa programang 'Fast Talk With Boy Abunda' si Kapuso actress Liezel Lopez.
Ito ay para i-promote ang kanyang upcoming series na 'Asawa ng Asawa Ko.'
Kasama ni Liezel sa serye sina Jasmine Curtis-Smith at Rayver Cruz pati na ang veteran actress and director na si Gina Alajar.
Espesyal para kay Liezel na maging co-star si Gina dahil marami daw siyang natutunan dito lalo na noong naging bahagi siya ng artista reality seach competition na 'StarStruck.'
Hanggang ngayon, hindi pa rin daw niya nakakalimutan ang payo ni direk Gina sa kanya na gamitin ang kanyang "hunger" para mas pagbutihan pa ang trabaho bilang artista.
Silipin ang iba pang mga rebelasyon ni Liezel Lopez sa 'Fast Talk With Boy Abunda' rito:






