Boobay at Tekla, ibinahagi ang 'tamang timpla' ng comedy para sa kanila

Ipinagdiriwang ng programang 'The Boobay and Tekla Show' ngayong Enero ang 6th anniversary nito.
Kaya naman bumisita ang hosts nito na sina Boobay at Tekla sa daily afternoon talk show na 'Fast Talk With Boy Abunda' para ibahagi ang mga bagay na natutunan nila sa ilang taon ng serye.
Isa sa mga napag-usapan ang tamang timpla ng comedy para sa kanila.
Para kay Tekla, mahalaga ang energy at reaction ng audience sa kahit anong pagpapatawa.
Para naman kay Boobay, alam niyang nakuha niya ang tamang timpa kapag nasundan at hindi naputol ang isang joke o hirit.
Silipin ang iba pang mga ibinahagi nina Boobay at Tekla sa 'Fast Talk With Boy Abunda' dito:






