Rhian Ramos, Max Collins, at Michelle Dee, nakikialam ba sa love life ng isa't isa?

It's a beautiful day sa anniversary episode ng 'Fast Talk with Boy Abunda' (FTWBA) dahil tatlo sa pinakamagagandang actress ng Kapuso Network ang naka-chikahan ng King of Talk ngayong Miyerkules, January 31.
Bisita ni Boy Abunda ang magkakaibigang sina Michelle Dee, Rhian Ramos, at Max Collins.Dito, nagkuwento ang tatlong aktres kung paano nabuo ang kanilang friendship at inilahad ang ilang mga detalye kung paano ang kanilang samahan off-cam.
Paliwanag ng Miss Universe Philippines 2023 na si Michelle na “common friend” siya nina Rhian at Max.
Lahad niya, “When the group actually formed, I was their common link. So, if you want to enter then you have to go through my three dogs.”
Sumunod na tanong ni Boy: "Nag-aaway ba sila? Nangingialam ba sila sa love life ng isa't isa?"
Alamin ang sagot ng tatlo sa gallery na ito!
Mapapanood ang Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes sa oras na 4:45 p.m., pagkatapos ng Makiling.





