Cristine Reyes at Marco Gumabao, napag-uusapan na ang kasal

Game na sumalang sa programang Fast Talk With Boy Abunda noong Huwebes, February 1, ang celebrity couple na sina Cristine Reyes at Marco Gumabao.
Ayon kay Cristine, kinakabahan man pero masaya siya na nakabalik sa GMA matapos ang mahabang panahon.
"Kinakabahan ako nung una tapos nu'ng nandito na ako sa GMA tapos nakita ko lahat 'yung mga nakasama ko dati... kasi dito ako lumaki e' parang ito 'yung high school ko, parang naging kampante na ako," sabi ni Cristine.
Balikan ang ilan sa napag-usapan nina Boy Abunda, Cristine Reyes, at Marco Gumabao sa gallery na ito:









