Bea Alonzo and Dominic Roque breakup: What Boy Abunda knows

Sa 'Fast Talk with Boy Abunda' kahapon, February 6, kinumpirma na ni Boy Abunda na hiwalay na ang magkasintahang sina Bea Alonzo at Dominic Roque.
Malungkot na pagbabalita niya, "As we talk today, yes, hiwalay po si Dominic at 'saka si Bea. Sinusuyo ba si Bea? Are they still trying to talk? Siguro. Maaari, dahil sino ba naman ang ayaw maayos ang ganitong klaseng problema."
"Kung tama po ang aking source, isinauli na ang engagement ring."
Pinaliwanag rin ni Tito Boy na hindi na tuloy ang kasal ang nilinaw ang mga balitang lumalabas patungkol sa relasyon ng dalawa.
"Did they call off the wedding? Yes. Pero marami na ho kasi ang lumalabas na April ang wedding, Tagaytay ang wedding, kinancel ang wedding," pahayag ni Tito Boy. "There was no April, there was no Tagaytay, there was no wedding in Tagaytay that was cancelled."
"Bea and I would often talk about the wedding towards the end of the year, the last quarter of the year. Pero as of now, walang wedding po na magaganap ngayong darating na Abril because, in the first place, inuulit ko, there was no wedding in April, and it was not going to be in Tagaytay."
Narito ang ilang mga detalyeng inilahad ni Boy Abunda tungkol sa relasyon nina Bea at Dominic.








