Jennylyn Mercado sa pag-aasawa: 'Kailangan ng mahabang pasensya'

GMA Logo jennylyn mercado and dennis trillo

Photo Inside Page


Photos

jennylyn mercado and dennis trillo



Nagpakatotoo si Jennylyn Mercado tungkol sa buhay-may asawa nila ni Dennis Trillo nang makapanayam siya ni Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Biyernes, March 22, kasama ang kanyang Love. Die. Repeat. co-star na si Xian Lim.

Ayon kay Jen, gaya sa palabas nila ni Xian, nagkakatampuhan din sila ng asawa niyang si Dennis.

Aniya, "Tahimik kami mag-away. Hindi kami 'yung nagsisigawan. 'Yung kapag meron nang naiinis, kapag may pabalang na 'yung sagot, stop muna. Hiwalay muna tayo ng mga ilang minuto, ilang oras."

Dagdag pa ni Jennylyn, nagkakabati rin sila kapag isa sa kanila ay manunuyo.

"After no'n 'pag okay na 'yung isa sa 'min, lalapit na 'yung isa sa 'min tapos, kunwari ako 'di pa okay tapos s'ya okay na, 'pag may lumambing na, hindi na, bigay ka na. Gano'n din ako sa kanya. Talagang gano'n lang kaming mag-asawa."

Hard work daw at hindi basta-basta ang pag-aasawa kaya payo niya, "Importante 'yung bigayan, mahabang pasensya, pag-iintindi saka laging mangingibabaw ang pagmamahal."

Ikinasal sina Jennylyn at Dennis noong November 2021. Mayroon silang isang anak na si Dylan Jayde na magdadalawang taon sa April 25, 2024. Magkasama rin nilang pinapalaki ang kani-kanilang anak na sina Jazz at Calix mula sa mga dati nilang nakarelasyon.

Silipin ang buhay may-asawa nina Jen at Dennis sa gallery na ito.


Jennylyn Mercado and Dennis Trillo
Wedding
First love
Blended family
Hobbies
Motorcycling

Around GMA

Around GMA

Israel bans mobile phones in primary schools
Food pack, tubig at iba pa, hatid ng GMAKF sa mga nasalanta ng Bagyong Tino sa Negros Island | 24 Oras
‘Wattwatch’ o Responsableng Pagamit sa Kuryente, Gilusad sa DOE-7 | Balitang Bisdak