Kiray Celis at Christian Antolin, inamin ang suweldo bilang artista at content creator

Nakatutuwa ang pagbisita ng matalik na magkaibigan na sina Kiray Celis at Christian Antolin sa Fast Talk with Boy Abunda.
Mapapanood ang dalawa sa GMA Prime series na My Guardian Alien, na pinagbibidahan ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.
Unang nakilala si Christian sa pagiging content creator samantalang si Kiray naman ay napapanood na sa telebisyon simula noong bata pa siya.
Ngayon, pinasok na rin ni Christian ang mundo ng telebisyon habang si Kiray ay nakilala na rin bilang isang content creator at madalas na nagla-live selling sa TikTok.
Balikan kung anu-ano ang mga napag-usapan nina Kiray at Christian sa Fast Talk with Boy Abunda sa mga larawang ito.







