Maxene Magalona reveals her favorite memory with her dad Francis M

Matapos ang 10 na taon, muling tumapak ang aktres na si Maxene Magalona sa GMA Network nang mag-guest siya sa programang Fast Talk with Boy Abunda kamakailan.
Sa pag-uusap nina Maxene at King of Talk na si Boy Abunda, natalakay ang masayang alaala ng una kasama ang kanyang yumaong ama na si Francis M, ang kanyang karera, pati ang pinakamahalagang leksyon na natutunan niya pagdating sa pag-ibig.
Balikan ang naging panayam ni Boy Abunda kay Maxene Magalona sa gallery na ito.






