Angela Alarcon, na-inspire kay Jestoni kaya pinasok ang showbiz

Hindi malayo na pumasok din sa entertainment industry ang anak ng isang artista. Sa kaso ng Kapuso star na si Angela Alarcon, na-inspire siyang mag-showbiz dahil sa ama niyang si Jestoni Alarcon.
Sa panayam ng mag-ama sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, May 14, sinabi ni Angela na habang lumalaki ay pinapanood niya ang mga pelikula ni Jestoni. Aniya, ito rin mismo ang nag-inspire sa kaniya para i-pursue ang martial arts na Taekwondo.
“I pursued getting my black belt, because of him kasi I got inspired po talaga sa mga action movies niya and I wanted to be someone like him; someone tough, someone who knows how to defend herself. He's my inspiration,” sabi ni Angela.
Si Jestoni rin umano ang inspirasyon ng young actress para pasukin ang mundo ng showbiz.
Tingnan sa gallery na ito kung paano binalikan nina Jestoni at Angela ang pagpasok niya sa showbiz:









