Xian Lim says he and Kim Chiu remain friends after breakup:'My record is clean'

“Are you and Kim friends?”
Ito ang tanong ng King of Talk na si Boy Abunda na ikinagulat ng Kapuso actor na si Xian Lim nang sumalang siya Fast Talk with Boy Abunda ngayong Miyerkules, June 12.
Kasama ni Xian na bumisita sa programa ang isa sa kaniyang leading lady sa pelikulang Playtime na si Sanya Lopez.
Bukod sa nasabing pelikula, buhay pamilya at karera, tinanong din ni Boy ang dalawa tungkol sa kanilang pag-ibig.
Dito na inusisa ni Boy ang kontrobersyal na hiwalayan nina Xian at ng It's Showtime host na si Kim Chiu.
Matatandaan na naging usap-usapan ang breakup nina Xian at Kim noong December 2023.
Naungkat muli ito kamakailan lang nang kumpirmahin ni Xian na siya ngayon ay "in a relationship" na sa film producer na si Iris Lee.
Balikan dito ang mga rebelasyon ni Xian tungkol sa naging hiwalayan nila ni Kim:









