Katya Santos at Sheree, inaming hindi nagustuhan ang bansag na 'bold stars'

GMA Logo viva hot babes

Photo Inside Page


Photos

viva hot babes



Aminado ang dating mga miyembro ng sexy girl group na Viva Hot Babes na sina Katya Santos at Sheree na hindi nila nagustuhan na tinatawag silang “bold stars” noong kasikatan nila.

Sa episode ng Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, June 26, sinabi nina Katya at Sheree na mga aktres sila at nagkataon lang na meron silang sexy roles.

Pag-amin pa ni Katya, “masakit minsan” na matawag sila na bold stars.”

“'Yun lang 'yung masakit minsan, 'O, bold star ka lang,' ganyan. Parang 'yung 'lang,' parang why? Hindi n'yo ba alam na hindi ganun kadali maging naked on screen 'di ba?” sabi niya.

Pagpapatuloy pa niya, malaking tapang ang kailangan para maghubad ng paulit-ulit sa harap ng ibang tao.

Sang-ayon naman dito si Sheree at sinabing kaya lang naman sila naghuhubad on screen ay dahil kailangan ito ng istorya ng mga pelikulang ginagawa nila.

“Actually, 'yun talaga 'yung pinakaayaw naming na word na ginagamit kapag dine-describe kami. Kasi, if you need to take off your clothes for a certain role or story, wala kaming choice, e,” sabi niya.

Nang tanungin naman sila kung ano ang nagtulak sa kanila sa pagpayag sa paggawa ng sexy roles, ang sagot ni Katya, “Real talk, fame of course.”

Paliwanag niya, “Because if you're famous dire-diretso na 'yung work mo. Parang naging stepping stone lang siya na magkaroon ka pa ng more projects."

Sa naunang interview sa parehong afternoon talk show, sinabi rin ng kanilang Viva Hot Babes co-member na si Andrea del Rosario na hindi rin niya nagustuhan ang pagkakabansag sa kaniya noon bilang isang sexy star.

“My [goal] kasi at that time was to help my family, my drive to work was because of my family. So, 'yun 'yung parang opportunity ko to somehow, you know, move forward in life,” sabi niya.

Pagpapatuloy pa niya, kahit pa feeling torn siya sa ginawang sexy roles noon, natutunan na lang niyang tanggapin ito at huwag panghinayangan ang kaniyang ginawa.

“Parang kinondisyon ko na rin 'yung mind ko to have the right kind of mindset na don't regret any decision that you make, 'di ba? You just do it and 'yon, that's what I did,” sabi niya.

Tingnan ang co-members nina Katya at Sheree sa Viva Hot Babes dito:


Viva Hot Babes, where are they now?
Jen Rosendahl
From hot babe to hot mama
Andrea del Rosario
Former Vice Mayor
Polo and farm life
Katya Santos
Gorgeous mom
Maui Taylor
From teen star to daring actress
Still got it
Jaycee Parker
New life
Jennifer Lee
Award-winning DJ
Gwen Garci
Sexy Mommy
Asia Agcaoili
Life in New Zealand
Sheree Bautista
Multi-talented
Zara Lopez
Hazel Cabrera
Quiet life
Myles Hernandez
Life in Canada
Kristine Jaca
Off the radar
Beauty queen
Reunion
Sayaw Kikay
Rachel Villanueva
Rachel as CEO

Around GMA

Around GMA

Rob Reiner’s son arrested on homicide charges after filmmaker, wife found dead
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants