Benjamin Alves, inakalang matatapos na ang showbiz career

Maraming ibinunyag ang Widows' War star na si Benjamin Alves tungkol sa kanyang career at personal na buhay sa pagbisita niya sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes (August 8).
Isa sa mga inamin ng Kapuso aktor ay dumating na raw siya sa punto na akala niya ay matatapos na ang kanyang karera bago niya natanggap ang Widows' War project. Ikinuwento rin ni Benjamin ang kanyang experiences na makatrabaho ang dalawang bigating stars na sina Carla Abellana at Bea Alonzo.
Sa kanyang panayam, binanggit din ng aktor ang hiling niya na magkaroon ng pamilya kasama ang kanyang asawa na si Chelsea Robato.
Tingnan ang buong panayam ni Benjamin Alves sa gallery na ito:









