Maricar Reyes, Richard Poon, pinag-usapan ang libro nilang '10 Things We Fight About'

Taong 2013 nang ikasal ang aktres na si Maricar Reyes sa singer na si Richard Poon. Naging masaya ang relasyon ng dalawa ngunit pag-amin nila, meron pa rin silang ilang challenges na hinaharap bilang mag-asawa.
Kaya naman, para matulungan ang iba at ang sarili nila, sumulat ang celebrity couple ng isang libro, ang '10 Things We Fight About.' Dito, idinetalye nila ang 10 sa pinakamadalas na pag-awayan ng mag-asawa at kung paano sila dapat harapin.
At sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, August 19, ikinuwento nina Richard at Maricar kung ano ang ibig-sabihin ng bawat conflict na inilista nila.
Tingnan sa gallery na ito ang kwento sa likod ng bawat item sa libro nina Maricar at Richard:









