Kate Valdez sa isang eksena nila ni Kyline Alcantara: "First time ko po yun ma-experience"

“Ibang klase si Kyline Alcantara”
Ito ang binitiwan na salita ng Sparkle 10 member na si Kate Valdez nang mapag-usapan ang co-star niya na si Kyline Alcantara sa bagong GMA afternoon serye na 'Shining Inheritance' na ipapalabas na sa darating na Lunes, September 9.
Ginagampanan ni Kyline ang role bilang Joanna na kontrabida sa buhay ni Inna na karakter naman ni Kate Valdez.
Sa kuwento ni Kate sa King of Talk na si Boy Abunda ngayong Biyernes (September 6) sa Fast Talk with Boy Abunda, ibinahagi niya ang tumatak na eksena nila sa 'Shining Inheritance' na inilarawan niya na isang “bardagulan.”
Ano kaya ang nangyari? Alamin ang buong kuwento sa gallery below!






