Niana Guerrero, balak bang pasukin ang showbiz?

Isa ang Gen Z social media star na si Niana Guerrero sa most-followed Filipino online personalities ngayon. Sa kaniyang tinatamasang kasikatan, may balak ba siyang pasukin ang showbiz?
Sa kauna-unahang pagkakataon, sumalang kamakailan sa 'Fast Talk with Boy Abunda' si Niana. Dito, ikinuwento ng TikTok star ang kaniyang pagsisimula bilang dancer at content creator.
Nagsimulang makilala si Niana sa maraming dance videos kasama ang kaniyang kuya na si Ranz Kyle na dating miyembro ng now-defunct boy group na Chicser.
Sa ngayon, isa na si Niana sa maituturing na most-successful young celebrities ngayon.
Balikan ang naging usapan nila ni King of Talk Boy Abunda tungkol sa kaniyang career sa gallery na ito:











