Sheryn Regis, may tampo ba kay Boy Abunda?

GMA Logo boy abunda and sheryn regis

Photo Inside Page


Photos

boy abunda and sheryn regis



Marami nang napagdaanan si Sheryn Regis bago pa makilala bilang "Crystal Voice of Asia."

Nagtrabaho muna siya bilang lounge singer sa isang hotel sa Cebu bago siya sumikat.

Bata pa lang ay palaban na si Sheryn at nasubok ang kanyang pagiging competitive nang sumali siya sa 2003 musical competition ng ABS-CBN na 'Star In A Million' kung saan itinanghal siyang first runner-up kay Erik Santos.

Kwento ng mang-aawit kay Boy Abunda sa guesting niya sa 'Fast Talk with Boy Abunda' noong Miyerkules, September 18, "I was alone that time. Wala akong family that time for that journey for six months ah. Mag-isa ako sa hotel, walang sponsor."

Ayon kay Sheryn, malaki ang ekspektasyon niyang manalo dahil sa rami ng sinakripisyo niya noong panahong iyon.

"'E syempre, iniwan ko yung pamilya ko, iniwan ko yung anak ko that time. Alam mo yun, I expected to win kasi nga nawalan kami ng trabaho. Nawalan ako ng trabaho sa hotel kasi nag-close na yung lounge na kinantahan ko. So, ang iniisip ko ngayon, paano ako makakabiling diaper, e, wala kaming walang trabaho?

"So sabi ko, eto na lang talaga yung pag-asa. E yung nakuha ko pang pera, kulang, sobrang layo sa panalo. Millionaire yung winner pero ako PhP60,000 yung nakuha ko."

Diin pa ni Sheryn, "I expected too much, too much na ano din, sakit...Gigil."

Inamin niyang nawalan siya ng kumpiyansa sa kanyang sarili matapos matalo kahit sinubukang pagaanin ang kanyang loob ng isa sa mga hurado ng 'Star In A Million,' ang namayapang si Cherie Gil.

Pagbabalik-tanaw ni Sheryn, "She told me 'di ka papabayaan ng network. Sabi n'ya, 'Magiging artista ka.' Pero puzzled pa rin yung mukha ko. Paano? 'Di ako winner. Yun ang naisip ko then I went back to Cebu."

Sa puntong ito, tinanong ni Boy kung may galit siya kay Erik at maging sa kanya mismo dahil ang King of Talk ang manager ni Erik noong panahong iyon.

Mabilis na sagot ni Sheryn, "Hindi, Tito Boy, kasi after the competition, tinawagan ako ni Erik. Sabi niya, 'Okay ka lang ba?' Sabi ko kay Erik, 'hindi.' Alangan naman [magpanggap] ako, 'di ba? Very [honest] ako kasi nand'yan 'yung bitterness ko, bakit 'di ako nanalo kasi nga iba 'yung expectation ko. Iba 'yung gusto kong makuha kasi nga wala na akong pera. Wala na kaming budget that time. Hanggang sa naging okay din. [Sabi ko sa kanya,] 'Okay lang talaga ako, Erik. Congratulations,' nagsabi ako sa kanya."

Balikan ang ilang highlights sa singing career at personal na buhay ng Asia's Crystal Voice sa gallery na ito.


Sheryn Regis
Star In A Million
Mainstream
USA
Cancer
Teacher
Philippines
Lesbian

Around GMA

Around GMA

1 pulis, patay; 2 iba pa, sugatan sa engkuwentro laban sa armadong grupo sa Candelaria, Quezon
Ashley Rivera sizzles as the 2026 calendar girl of a local whisky brand
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras