Award-winning actor Kokoy De Santos, may takot pagdating sa love at career

Sunod-sunod ang panalong natatanggap ngayon ng Kapuso actor na si Kokoy De Santos.
Matapos tanghalin bilang Ultimate Runner sa season 2 ng Running Man Philippines, kinilala naman siya bilang Best Actor sa Asian Academy Awards 2024 sa kaniyang mahusay na pagganap bilang si Emman sa critically-acclaimed film na Your Mother's Son.
Sa Fast Talk with Boy Abunda, inilahad ni Kokoy ang kaniyang nararamdamang saya at excitement sa tagumpay ng kaniyang showbiz career ngayon.
Pero sa kabila ng magagandang nangyayari sa buhay ng aktor, may mga bagay pa rin siya na kinatatakutan pagdating sa kaniyang karera.
Balikan ang panayam ng batikang TV host na si Boy Abunda kay Kokoy, DITO:









