Nadine Samonte, naka-relate sa kanyang karakter sa 'Forever Young'

Masayang nakapanayam ni Boy Abunda ang Kapuso actress at celebrity mom na si Nadine Samonte sa programang Fast Talk with Boy Abunda kamakailan.
Kabilang sa napag-usapan ng dalawa ay ang bagong role ng Kapuso actress sa newest GMA Afternoon Prime na Forever Young, kung saan gumaganap siya bilang Juday Agapito.
Ayon kay Nadine, siya ay nakaka-relate sa kanyang karakter sa naturang serye.
“Siguro 'yung pagiging maalaga ko kay Rambo, which is sa mga kids ko rin, and sobra 'yung pagmamahal ko, sobra 'yung care ko talaga. 'Yung sa role ko bilang Juday, gano'n din po ako kapag sa mga kids ko, 'yung parang kulang na lang, ayaw ko silang lumayo sa akin,” kwento niya.
Bukod dito, nagkuwento rin si Nadine tungkol sa personal niyang buhay tulad ng pamilya.
Balikan ang pagbisita ni Nadine Samonte sa Fast Talk with Boy Abunda sa gallery na ito.







