Gerald Sibayan, nakipaghiwalay kay Aiai Delas Alas sa chat; gusto nang magkaanak

Kinumpirma na ni Concert Comedy Queen Aiai delas Alas na hiwalay na siya at asawa niya ng sampung taon na si Gerald Sibayan. Ang sabi ng aktres na maaaring dahilan ng kanilang hiwalayan ay dahil umano hindi sila magkaanak.
Ayon sa kuwento ni Aiai sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Lunes, November 11, nakipaghiwalay sa kanya si Gerald sa pamamagitan ng chat noong October 14. Nasa Pilipinas si aktres nito habang ang kanyang asawa ay nasa Amerika.
Ang dahilan daw ng pakikipaghiwalay ni Gerald kay Aiai, "Sinabi niya na gusto niyang magkaanak and hindi na siya happy,"
Inamin ni Aiai na nasaktan siya sa sitwasyong ito at nagdulot ng maraming katanungan sa kanyang isip.
Isa sa naiisip niyang maaaring dahilan ni Gerald para makipaghiwalay ay ang pagkawala ng kanilang embryo na inihanda para sa invitro fertilization. Ayon kay Aiai, bago pa sila ikasal ay alam na ni Gerald na hindi na siya pwedeng magkaanak, ngunit maaaring nagbago na rin ang priorities ng kaniyang dating asawa.
Gayunman, sinubukan pa rin ng mag-asawa ang pagkakaroon ng anak sa pamamagitan ng in vitro fertilization. Sa katunayan, meron silang nakahandang tatlong embryo.
“Kahit mahina 'yung eggs ko, tina-try ko na mag-IVF. And then meron kaming tatlong embryo, may names 'yun. Si Gail, si Greg, meron pa kaming isa, si Gold,” pag-alala ni AiAi.
Ngunit kuwento niya, nasaktan nang husto si Gerald noong mawala ang kanilang unang dalawang embryo, na maaaring nagtulak dito para makipaghiwalay na sa kaniya. Sabi ng comedienne, meron pa naman silang isa at gusto pa sana niyang subukan muli, ngunit tila ayaw ni Gerald.
“Meron pa kaing isang embryo e, sabi ko sa kaniya, 'pag nagkapera kami, susurprise ko sana siya na ilalagay ko 'yung baby para magkaroon kami ng baby. Siguro 'yun 'yung nag-trigger sa kaniya na ayaw niya ng surprise na bibigyan ko siya ng baby kasi 'di ba may isa pa kaming embryo, si Gold, baka 'yun, na hindi niya lang nasabi sa'kin,” sabi ng aktres.
BALIKAN ANG OFFICIAL WEDDING ALBUM NINA AIAI AT GERALD SA GALLERY NA ITO:
Nilinaw naman ni AiAi na kahit nasaktan ay hindi naman siya sinisi ni Gerald, at alam naman umano nito na gusto pa ring subukan ng aktres ang huli nilang embryo.
Samantala, tinanong ni Boy Abunda si Aiai kung mayroong third party na involved sa kanilang reklasyon. Sinabi ni AiAi na wala man siyang ebidensya at gut feeling lang iyon, “Ramdam ko, meron. Ramdam ko.”
Ang pakiramdam na ito ni Aiai ay tila base na rin sa nangyari noong 2019.
Sabi ni Aiai, "It doesn't matter naman kung meron o wala na kasi nu'ng sinabi niya na firm na siya sa decision, wala naman na 'kong ilalaban, 'di ba? 'Pag lumaban pa kasi ako, kunwari, nag-stay ako, parang alam ko naman 'yung magiging ending, e. 'Yung dignity ko ba and 'yung self-worth ko, mawawala na 'yun e. Magtira naman ako kasi alam ko na mangyayari ulit 'yun. Ama, no'ng 2019, ano na siya, e. Nag-cheat na rin siya noon no'ng 2019,” sabi ng aktres.
Sa huli, hiniling ni AiAi na mahanap na umano ni Gerald ang kaligayahan na hinahanap niya, at na makuha na nito ang hinihiling na anak.
“Sana magkaroon ka ng healthy child. And I wish you well kasi sa sampung taon na pinagsamahan natin, infairness naman to you, naging good husband ka naman and siguro ganu'n talga ang buhay. Basta sana maging masaya ka nalang and I wish you all the happiness na hinahanap mo,” pagtatapos ng aktres.
Samantala, narito ang ilang celerity couples na nauwi sa divorce o annulment:












































