Faith Da Silva at Herlene Budol, kasamang nakipagkuwentuhan si Tala Gatchalian sa 'Fast Talk with Boy Abunda'

Maagang nakapamasko ang TiktoClock host na sina Faith Da Silva at Herlene Budol kay King of Talk Boy Abunda sa programang Fast Talk with Boy Abunda noong Huwebes, November 21.
Masayang nakipagkwentuhan sina Faith at Herlene kay Boy Abunda at ibinahagi ang pinaka hindi nila malilimutan kapag pinag-uusapan ang Pasko.
Ani Herlene, noong bata siya ay "nagpipisa" siya ng mga tansan at inilalagay sa alambre. Ginagawa rin nilang tambol ang mga lata ng gatas, na kanilang ginagamit sa pangangaroling.
Para naman kay Faith, ang naaalala niya sa Pasko ay pamilya. Sabi niya, "Kasi I've always celebrate Christmas with my family na kaming tatlo lang. Simple pero buong-buo 'yung pagmamahal. And, I think that's the spirit of Christmas."
Alamin ang ilan pang napagkuwentuhan nina Faith at Herlene kasama si Boy Abunda sa gallery na ito:









