Karla Estrada, ano ang natutunan kay Daniel Padilla?

Sa edad na 20, nabuntis na si Karla Estrada sa kanyang anak na si Daniel Padilla. Ngayong 50 years old na si Karla, aminado siyang marami siyang natutunan sa kanyang anak.
Sa panayam ni Karla sa 'Fast Talk with Boy Abunda' noong January 29, sinabi ng aktres na natutunan niyang kumayod para sa kanyang pamilya.
"Kay Daniel pa lang, natututo na ako, actually nag-double time akong buhayin or suportahan 'yung buong pamilya, from Leyte to Manila, basta lahat ng kamag-anak na lalapit, [tutulungan ko]," kuwento ni Karla.
"Naging mas mabuti akong tao. Ang hindi lang nagbago, hindi ko alam kung kabutihan 'yun ng puso ko, madali akong maniwala sa mga pambobola ng mga nanliligaw sa akin, 'di ba?
"Dahil siguro ako ay naturally maawain, compassionate ako, siguro I'm just kind."
Balikan ang mga napag-usapan nina Karla at Tito Boy sa mga larawang ito.









