Herlene Budol, malaki ang pinagbago nang sumali sa beauty pageants

GMA Logo Herlene Budol
Source: Fast Talk with Boy Abunda

Photo Inside Page


Photos

Herlene Budol



Sa pagbisita ni Binibining Marikit star Herlene Budol sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, March 5, binalikan niya ang pagiging palaban niya noong kabataan at kung papaano siya binago ng beauty pageant.

Kuwento ni Herlene, noong high school ay siya ang sumbungan ng mga tao sa lugar nila at siya umano ang sumusugod para makipag-away.

“Talagang umabot po ako sa point na parang sawang-sawa na po sa 'kin 'yung mga guidance counselor. 'Tapos, nu'ng nagha-hire na po ako ng kunyaring nanay ko, tita ko, para lang po hindi mapatawag 'yung pamilya ko,” pag-alala ng aktres.

Ngunit simula umano nang sumali siya sa beauty pageants ay nagkaroon na siya ng respeto at pagmamahal sa sarili niya. Matapos daw niyang makuha ang respeto niya sa sarili ay mas pinipili na niya ang mga laban na kinasasangkutan niya dahil sayang naman kung mawala ito.

Dahil napag-uusapan ang laban, tinanong ni King of Talk Boy Abunda si Herlene, “Anong laban ang aatrasan mo ngayon sa buhay mo?”

Alamin ang sagot ni Herlene sa gallery na ito:


Pamilya
Grandparents
Para kay lolo
Inspiration
Choices
Kevin Dasom
Actor and model
Beyond physical appearance
Being a gentleman

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 16, 2025
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas