Richard Yap and Allen Dizon share thoughts on artistas entering politics

Bumisita ang tinaguriang "hot dads" ng showbiz na sina Richard Yap at Allen Dizon sa daily afternoon talk show na Fast Talk with Boy Abunda.
Hiningan sila ng opinyon ni Tito Boy tungkol sa mga artistang pumapasok sa pulitika.
Ayon kasi sa isang column na isinulat ni Boy, hindi siya sang-ayon sa mga artistang tumatakbo para sa public office.
"I think that's unfair because there are a lot of artists who have the brains to be in politics, to be in public service. It's just that that statement is based on a certain percentage of people who are there in power and sinasabi nila ganoon na lahat. It's a generalization. It's unfair for a lot of others," lahad ni Richard, na minsan na rin tumakbo para sa lokal na posisyon sa Cebu.
Personal na opinyon naman ni Allen na wala siyang sapat na kaalaman para pumasok sa mundo ng pulitika.
"Feeling ko, hindi pa ko ready. Kailangan kong mag-aral kung papasukin ko 'yung politics. Kailangan ko munang i-set aside 'yung career ko and family ko to enter politics. Kung papasukin mo ito, dapat buo 'yung loob mo and mayroon kang apoy. Pag-aralan mo kung papasukin mo 'to kasi hindi basta basta eh. Baka iboto 'ko ng mga tao, hindi ko magawa 'yung role ko, hindi ko magawa 'yung bilang isang public servant, baka mapahiya lang ako," paliwanag naman ni Allen.
Alamin ang iba pang mga bagay na ibinahagi nila sa Fast Talk with Boy Abunda dito.






