'MAKA' stars Elijah Alejo, Chanty, Shan Vesagas, at Bryce Eusebio, nakipagkulitan sa 'Fast Talk with Boy Abunda'

Game na game na nakipagkulitan at nakipagkuwentuhan ang MAKA Season 2 stars na sina Elijah Alejo, Chanty, Shan Vesagas, at Bryce Eusebio sa programang Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, April 15.
Inumpisahan ng King of Talk na si Boy Abunda ang kwentuhan sa pagtatanong kay Chanty tungkol sa kinabibilangan nitong K-pop group, ang Lapillus.
Ayon kay Chanty, naka-base ang Lapillus sa South Korea. Siya ang Filipino-Argentinian member ng grupo, at bukod sa Korean ay mayroon din itong Japanese at Chinese-American members.
Ikinuwento rin ni Chanty na tatlong taon na ang kanilang grupo. At bilang isang Sparkle artist ay pinapayagan siyang guamawa ng proyekto rito sa Pilipinas.








