Macoy Dubs at Pipay, paano hinaharap ang bashers?

Ikinuwento ng content creators na sina Macoy Dubs at Pipay sa interview sa Fast Talk with Boy Abunda noong Miyerkules (May 14) kung paano nila hinaharap ang kanilang bashers.
Ayon kay Macoy, hindi na lamang niya pinapansin ang negative comments na nababasa online.
"Well, ako Tito Boy, magko-compartmentalize ka talaga. Minsan nababasa ko 'yung bad comments about me pero I shrug it off. Kasi ang importante naman sa akin, hindi naman nila ako kilala in person or hindi naman nila ako mahu-hurt in person like suntukin ako so I shrug it off," sabi ni Macoy.
Para naman kay Pipay, hindi naging madali para sa kanya ang pagharap sa naranasang pambu-bully.
"Ako naman, hindi talaga siya overnight process lalo na kapag bata ka binu-bully ka. Pero, ginamit ko kasi siyang instrument. Nu'ng nag-content creating nga ako na parang 'Isang beses lang akong mabubuhay. Ayoko nang maging malungkot.'
"So, tinanggap ko siya. Matagal din, years din tinagal. Pero, 'yung naidulot naman sa tao like 'yung inspiration 'Kahit ganyan, okay, maganda siya. May sarili s'yang beauty,'" kuwento ni Pipay.
Narito ang ilan pang napagkuwentuhan nina Macoy Dubs at Pipay kasama ang King of Talk na si Boy Abunda:






