Ara Mina, nagsalita na tungkol sa hiwalayan umano nina Cristine Reyes at Marco Gumabao

Nagsalita na ang aktres at singer na si Ara Mina sa napapabalitang hiwalayan umano ng kaniyang kapatid na si Cristine Reyes at longtime boyfriend nitong si Marco Gumabao.
Nilinaw ni Ara ang isyu nitong Lunes, June 2, sa Fast Talk with Boy Abunda.
“Ngayon, napabalita na naghiwalay sina Cristine at Marco Gumabao…” tanong ni King of Talk Boy Abunda. “Unang-una, what do you know and what can you share with us? Pangalawa, sa mga pagkakataong ganito, paano mo sinusuportahan ang iyong kapatid?”
Diretsang sagot ni Ara. “Kung ano alam ko, it stays with me, and I am not the right person [to tell] the real score. Si Cristine, she's mature enough. Basta, ang masasabi ko lang sa kaniya, nandito lang kaming family.”
Ayon pa kay Ara ay hindi rin daw ito nagkulang sa pagbibigay ng opinyon sa kapatid, ngunit pinapaalala nito na sa huli ay si Cristine pa rin ang may hawak ng kaniyang mga desisyon sa buhay.
“I think she knows what she's doing and nag-co-confide din naman siya sa akin, and sinasabi ko kung ano 'yung opinyon ko, pero ang sinasabi ko sa kaniya, 'Ikaw pa rin ang mag-de-decide kung ano ang nasa puso mo, and basta, kung saan ka masaya, nakasuporta kami ng family mo,'” kuwento ni Ara kay Tito Boy.
RELATED GALLERY: WONDERFUL SISTERLY BOND OF ARA MINA AND CRISTINE REYES
Saad pa nito sa bukod na statement, “Basta naniniwala ako, kung kayo [ang] para sa isa't isa, kayo. At the end of the day, magiging magkaibigan pa rin kayo, 'di ba, if hindi man maging kayo. And si Cristine, matanda na siya. She knows what she's doing na.”
Sa parehong interview ay binalikan din ni Ara ang heartwarming na tagpo nilang magkapatid matapos ang eleksyon noong Mayo. “You know what I appreciate kay Cristine after election? She just texted me and [asked] 'ate, anong gagawin mo bukas? Dinner tayo,' so 'yung mga simple things na ganoon, maybe to comfort me, and she knows naman na nandito rin ako for her.”
Nang tanungin naman ni Tito Boy ang kalagayan ni Cristine, maikling sagot ni Ara Mina: “She's okay. She's doing fine.”
SAMANTALA, BALIKAN ANG NAGING INTERVOEW NINA CRISTINE AT MARCO SA FAST TALK NOONG NAKARAANG TAON DITO









