Jewel Mische, sinubukang ligawan noon ni Paulo Avelino

Matapos ang ilang taon, muling napanood ang StarStruck season 4 Ultimate Survivor na si Jewel Mische nang bumisita ito sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, June 25.
Huling napanood si Jewel noong 2013 sa episode ng isang drama anthology series, at napanood sa dating talk show ni King of Talk Boy Abunda noong 2016.
Dahil matagal nawala sa limelight, kinumusta ng batikang host ang pagbabalik ni Jewel sa kaniyang home network.
Wika ng aktres, “It feels so surreal. I'm a bundle of nerves right now. I'm nervous, I'm excited, incredibly excited. Halo-halo.”
Tinanong rin ni Boy kung ano-ano ang mga naaalala ni Jewel nang sumali siya sa naturang artista reality show noong 2006.
Tingnan ang pagbabalik-tanaw ni Jewel sa kaniyang panahon sa StarStruck sa gallery na ito:









