GMA Logo Julie Anne San Jose at Alden Richards
What's on TV

Julie Anne San Jose at Alden Richards, maayos na ang estado ng relasyon ngayon

By Jimboy Napoles
Published January 26, 2023 5:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Eman Pacquiao, naghahanda sa pagsasanay para sa kaniyang laban sa Pebrero 2026
#WilmaPH moves north of E. Samar, over waters of Dolores
Netflix is buying Warner Bros.

Article Inside Page


Showbiz News

Julie Anne San Jose at Alden Richards


Sa 'Fast Talk with Boy Abunda,' inamin ni Alden Richards humingi siya ng tawad kay Julie Anne San Jose dahil sa naunsyami nilang relasyon.

Tiniyak ng management ni Julie Anne San Jose na maayos ang relasyon nito sa Kapuso actor na si Alden Richards bilang kaibigan kasunod ng rebelasyon ng huli sa Fast Talk with Boy Abunda tungkol sa kanilang past.

Matatandaan na mabilis na pinag-usapan online ang naging pahayag ni Alden tungkol sa naunsyaming relasyon nila ni Julie sa episode ng naturang programa, kahapon, January 25.

Dito ay inamin ni Alden na muntik na niyang maging girlfriend ang singer-actress pero hindi ito natuloy dahil mas pinili niyang mag-focus sa trabaho.

“It was my fault po Tito Boy…I decided to focus na lang talaga sa work,” pag-amin ni Alden.

Inilahad naman ng aktor na kinausap niya na noon si Julie dahil pag-amin niya, “naiwan ko po siya.”

Sabi ni Alden kay Julie, “I'm really sorry for what happened. Iniwan kita. There's no one to blame but me. And I'm very sorry. Sana napatawad mo na ako."

Matapos ang rebelasyon na ito ni Alden sa kanyang panayam sa batikang TV host na si Boy, hiningi naman ng Fast Talk with Boy Abunda ang pahayag ni Julie ukol dito. Agad naman na sumagot ang Sparkle GMA Artist Center na humahawak sa karera sa singer-actress.

“Julie is ok now. It's all in the past,” pahayag ng management ng dalaga.

Para sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.

KILALANIN ANG MGA AKTOR NA NAGING LEADING MAN NI JULIE ANNE SAN JOSE SA GALLERY NA ITO: