
Malaman ang naging kuwentuhan ng batikang aktres na si Dina Bonnevie at ng kanyang dating manager at kaibigan na si Boy Abunda sa programang Fast Talk with Boy Abunda ngayong Martes, January 31.
Sa umpisa ng kanilang pag-uusap agad na naitanong ni Boy sa aktres kung takot ba itong tumanda.
“For somebody as beautiful as you are, natatakot ka bang tumanda?” tanong ni Boy.
Agad naman na sumagot si Dina. Aniya, “Actually, I don't get offended when people say matanda, o nag-age na kasi lahat naman tayo pupunta doon.”
Dagdag pa niya, “For me you only become matanda when you stop growing, when you have nothing to give, when you have no legacy, then, matanda ka.”
Matapos ito, diniretso naman ni Boy si Dina at tinanong kung nakaramdam na ba ito ng takot na mawalan ng kinang sa industriya.
“At a certain point in your life, natakot ka bang malaos?” ani Boy.
Makahulugan naman ang naging sagot ni Dina sa tanong na ito ng kaibigang TV host.
Aniya, “Hindi ka malalaos if you continue to leave legacies in your life, if you continue to reinvent yourself.”
“Kung halimbawa noon sikat ka as an artista, noon campy campy kami, 'di ba teen star and then you reinvent yourself you become a dramatic actress and then you reinvent yourself, you become a talk show host and then you reinvent yourself, you become a Telecom corporate manager, executive and business owner, and then you reinvent yourself… so paano ako malalaos when you keep reinventing yourself?
“There's always a new version of yourself,” ani pa ni Dina.
Samantala, sa nasabing panayam, kinumpirma naman ni Dina na na si Alex Gonzaga talaga ang tinutukoy niya sa kanyang mga nagdaang interviews tungkol sa isang co-star na naging unprofessional sa kanilang trabaho.
Sa kabila naman nito, nilnaw ni Dina na maayos ang estado ng relasyon nila ni Alex bilang dating magkatrabaho.
Para sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.
SILIPIN ANG AGELESS BEAUTY PHOTOS NI DINA BONNEVIE SA GALLERY NA ITO: