GMA Logo Sunshine Cruz
What's on TV

Sunshine Cruz, nagsisisi nga ba sa pagiging sexy star noon?

By Dianne Mariano
Published February 2, 2023 8:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

China not a 'benign, cuddly panda' in WPS disputes — PH envoy
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Sunshine Cruz


Mayroon kayang pagsisisi si seasoned actress Sunshine Cruz sa pagiging isang sexy star noon?

Matapang na hinarap ni Underage actress Sunshine Cruz ang iba't ibang maiinit na tanong sa kanyang guest appearance sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Huwebes (February 2).

Kabilang sa mga topic na pinag-usapan sa "The Talk" segment ay ang pagiging sexy star niya noon. Diretsong tinanong ng batikang talk show host na si Boy Abunda kung pinagsisisihan ba ng aktres ang paggawa niya ng sexy na mga pelikula noon.

Pag-amin ni Sunshine, “There was a time na ni-regret ko 'yon, especially naging malaking parte 'yon ng aming separation ng aking ex-husband. Pero at the end of the day, naging stronger ako, mas natuto ako.

“Ang ginawa ko lang, mas pinatunayan ko sa mga tao na hindi lang ako sexy star. I can also be a singer, I can be an actress, and most especially, I am a good mom. I know that for a fact. Lahat naman tayo nagkakamali, nagkakaroon ng maling desisyon noong mga bata pa tayo. Pero ang importante ay kung ano tayo ngayon.”

Ibinahagi rin ni Sunshine na naapektuhan siya noon sa tuwing mayroong nagta-tag sa kanyang mga anak ng mga hindi magandang bagay tungkol sa kanilang ina.

Kuwento niya, “Hindi lang one, all of my daughters. Tina-tag sila. Before, of course, I got affected kasi 'yung mga bata dapat hindi nadadamay. Pero ngayon, naisip ko ang importante kung sino 'yung mga talagang nakakakilala sa akin, naiintindihan ako at mahal ako. 'Yung mga tao na nagsasabi ng hindi maganda tungkol sa akin--bold star, sexy star--it doesn't matter anymore.”

Ayon pa sa kanya, siya mismo ang nagpaliwanag sa kanyang tatlong babaeng anak na sina Angelina, Sam, at Chesca ang tungkol sa pagiging sexy star niya noon.

“Noong time na ready na sila at alam ko na kahit papaano maiintidihan na nila ako, doon ko sinabi sa kanila. Hangga't maaari kasi gusto ko sa akin manggagaling, hindi sa ibang tao,” saad niya.

Bukod dito, nagkaroon din ng pagkakataon si Sunshine na humarap sa salamin ni Boy Abunda, kung saan ibinahagi niya ang pasasalamat at paghingi ng tawad sa kanyang sarili.

Ani Sunshine, “I'm so sorry kung sobra-sobra ka magmahal sa tao. And thank you kasi nagmahal ka man nang buong-buo, alam ko na nabe-bless at nakikita ng Diyos kung ano ang totoong nasa puso mo.”

Panoorin ang buong episode ng Fast Talk with Boy Abunda sa video na ito.

Samantala, mapapanood si Sunshine sa afternoon drama series na Underage, Lunes hanggang Biyernes, 4:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m., sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.

KILALANIN ANG TATLONG ANAK NI SUNSHINE CRUZ NA SINA ANGELINA, SAM, AT CHESCA SA GALLERY NA ITO.