GMA Logo Faith Da Silva, Dennis Da Silva
What's on TV

Faith Da Silva, nakapagpatawad na; bukas na muling makita ang amang si Dennis Da Silva

By Jimboy Napoles
Published February 8, 2023 10:56 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Bystander who tackled armed man at Bondi Beach shooting hailed as hero
Visually impaired soldier promoted from captain to major
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Faith Da Silva, Dennis Da Silva


Faith Da Silva sa kanyang ama: “You know we can always start over.”

Emosyonal ang naging panayam ng King of Talk na si Boy Abunda sa Kapuso actress na si Faith Da Silva sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Martes, February 7.

Isa sa mga napag-usapan nina Boy at Faith sa “The Talk” interview ay ang ama ng aktres, ang dating aktor na si Dennis Da Silva, na mahigit 20 taon nang nakakulong dahil sa patung-patong na kaso.

Lingid sa kaalaman ng publiko, inaanak ng TV host na si Boy si Faith kung kaya't malaya itong nakapagtanong tungkol sa ama ng aktres na si Dennis.

Dalawang taong gulang lamang si Faith nang mawalay siya sa kanyang ama, kung kaya't ang isa sa mga naging tanong ni Boy ay kung paano niya kinilala ang ama base sa paglalarawan ng kanyang inang si Ana Castro.

Ayon kay Faith, hindi siniraan ng kanyang ina si Dennis, bagkus ay ito pa aniya ang nagpaalala sa isang magandang bagay na sinabi ni Dennis tungkol sa kanya.

“Sabi ng Dad ko, I'm the most beautiful girl in the world and every time na 'yung confidence ko bumababa, inaalala ko lang 'yun, kase sa mata ng papa ko, ako 'yung pinakamaganda,” kuwento ni Faith.

Ngunit sa loob ng 20 taon ay hindi pa nadalaw ni Faith ang kanyang ama. Kaya naman diretsahang tanong ni Boy, “Ikinahiya mo na nasa kulungan ang papa?”

Buong katapatan naman itong sinagot ng aktres. Aniya, “Before when I was younger. Magiging honest ako kasi ito 'yung tsansa ko rin para malaman ng papa ko how I truly feel kasi hindi pa kami nagkikita in person, and it's more than 20 years…I'm very grateful for him and my mama that I am here, ikinahiya ko lang naman noon dahil hindi ko naintindihan noon kung ano yung mga nangyayari.”

Paglilinaw naman ni Faith ay matagal na niyang napatawad ang ama na si Dennis at tanggap na niya ang sitwasyon ng kanilang pamilya.

Mensahe ni Faith sa ama, “Everything that happened in the past, wala na 'yun. Wala na 'yun sa utak ko. You know we can always start over.”

Ayon pa sa aktres, gusto niyang maramdaman ang pagmamahal ng isang ama, at alam niyang kay Dennis niya lamang ito makukuha.

“Gusto kong ma-experience 'yung pagmamahal ng tatay. Alam ko, sa'yo ko lang 'yun makukuha pero hindi ko mamadaliin ang lahat,” ani Faith.

Dagdag pa ng aktres, “Maghihintay ako because I believe in the divine timing talaga of everything. 'Pag naging ready ka na, 'pag naging fully ready na rin ako, at 'yung pagkakataon ibigay sa atin ng Diyos, alam ko na 'yun 'yung magiging life changing moment sa buhay ko.”

Sa ngayon ay napapanood naman si Faith bilang kontrabida na si Carnation sa GMA Afternoon Prime series na Unica Hija.

Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:50 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.

SILIPIN ANG JAW-DROPPING PHOTOS NI FAITH DA SILVA SA GALLERY NA ITO: