GMA Logo sanya lopez
Source: sanyalopez/IG
What's on TV

Sanya Lopez, umaming may tampo sa yumaong ama

By Marah Ruiz
Published February 18, 2023 2:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Thai esports player expelled from SEA Games for cheating
EXO Chen announces Manila concert in 2026
GMA Network transitions to cloud-based IP distribution via partnership with Synamedia and Telered Technologies and Services Corp.

Article Inside Page


Showbiz News

sanya lopez


Alamin ang ugat ng tampo ni Sanya Lopez sa kanyang yumaong ama sa 'Fast Talk With Boy Abunda.'

Ginunita ni Kapuso actress and Sparkle star Sanya Lopez ang buhay niya at ng kanyang pamilya bago siya nakapasok sa showbiz.

Aminado ang aktres na kahit hirap sila noon, iniisip niyang normal lang ang ganoong buhay.

"Kumakain lang kayo ng talbos ng kamote, 'yung nakuha lang diyan sa labas. Masaya na kasi may bagoong 'yun, iuulam na namin 'yun. Hanggng sa napapansin ko na habang lumalaki kami, naghihiwahiwalay na din kami--ako nasa Laguna, kuya ko nasa Bulacan," bahagi niya sa programang Fast Talk with Boy Abunda.

Source: sanyalopez/IG

Ibinahagi rin niya na may tampo siya sa kanyang ama na sa kasamaang paalad ay yumao na.

"Nagtatampo ako kay Daddy. Isa 'yun sa mga hindi alam ng family ko. Lumaki kasi kaming walang tatay," emosyonal na kuwento ni Sanya.

"Paano kayo gabayan [ng isang ama], hindi ko naranasan 'yun. Madalas po nagtatanong ako, ano ba 'yung pakiramdam na nandito ka?" dagdag pa niya.

Matapos ang ilang taon, saka lang daw naintindihan ni Sanya ang naging desisyon ng ama.

"Naiintindihan ko na 'yun ngayon. Maraming salamat sa'yo kasi naintindihan ko lahat ng mga bagay kung bakit. May rason pala kung bakit ka rin nawala," mensahe ni Sanya sa ama.

Ang tanging pagsisisi lang daw niya ngayon ay hindi man lang naaubutan ng ama ang ginhawa ng buhay ng dala ng magandang takbo ng career niya at ng kanyang kuya na si Jak Roberto.

"Masakit sa umpisa sa wala ka pero sana nakita mo 'yung success na mayron kami ni Kuya. Proud ako, proud pa rin ako na naging daddy kita. Thank you, daddy," bahagi ni Sanya.

SAMANTALA, BALIKAN ANG CAREER HIGHLIGHTS NI SANYA LOPEZ SA GALLERY NA ITO: