
Hindi napigilan na maging emosyonal ni Underage lead actress Elijah Alejo sa latest episode ng Fast Talk with Boy Abunda nang ibahagi ang kanyang karanasan na pinalaki siya ng kanyang ina, na isang single mom.
Ayon sa teen star, siya na ang tumayo bilang breadwinner ng kanyang pamilya.
Kuwento niya, “It's really hard po kasi at a young age po, nagka-cancer po si mom. Kumbaga po, ako po 'yung breadwinner ng family. At a young age, alam ko na po 'yung responsibilities ko na kailangan kong mag-trabaho kasi hindi lang para sa akin.
“Not only for me, for my expenses, for my education kasi pati 'yung pagpapagamot ng mom ko sa akin, and 'yung bayad ng bahay kasi nagre-rent po kami. And there's nothing wrong with it, I'm proud po na nakakatulong po ako.”
Ibinahagi pa ng aktres ang kanyang kabataan nang walang kinalakihang ama.
Aniya, “Kapag nakikita ko po 'yung classmates ko noon na sinusundo ng fathers nila, gano'n, parang sa akin po, bakit ako wala? Bakit? Hindi naman po sa hindi ako grateful na si mom po 'yung nag-alaga sa akin pero there's a side of me na curious, longing."
Bago natapos ang programa, tinanong si Elijah ng King of Talk na si Boy Abunda kung ano ang nais nitong itanong sa kanyang tatay.
“Bakit wala ka noong kailangan kita, noong kailangan ka namin?” tanong ng Sparkle artist.
Kasalukuyang mapapanood si Elijah sa Underage, Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.
SAMANTALA, KILALANIN ANG IBA PANG CAST NG UNDERAGE SA GALLERY NA ITO.