GMA Logo Hailey Mendes
PHOTO COURTESY: haileymendesofficial (IG)
What's on TV

Hailey Mendes reveals she wants to meet her father

By Dianne Mariano
Published March 2, 2023 12:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Side-hustling Pinoys bring artists to Dubai for the holiday season
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Hailey Mendes


Nilinaw ni 'Underage' actress Hailey Mendes na wala siyang galit sa kanyang ama at nais niya lamang itong makilala.

Ibinahagi ni Sparkle star Hailey Mendes sa episode ng Fast Talk with Boy Abunda na hindi gaano naging mahirap ang kanyang buhay kahit na lumaking walang ama.

Sa “The Talk” segment ng naturang programa, ikinuwento ng Filipina-German actress at ng kanyang Underage co-stars na sina Lexi Gonzales at Elijah Alejo ang kanilang karanasan na pinalaki ng mga nanay na single mothers.

Kuwento ni Hailey na ang grandparents niya ang nag-alaga sa kanya noon sa probinsya habang ang ina niya ay nagtatrabaho sa Maynila.

“Hindi naman po sobrang mahirap kasi hindi ko naman po inisip na wala akong tatay dahil ang nag-alaga po talaga sa akin before is lola at lolo ko. Si mom ko naman po nagwu-work siya dito. So naiwan po ako sa probinsya namin,” pagbabahagi niya.

Tinanong naman ng King of Talk na si Boy Abunda ang Sparkle actress kung wala bang punto ng buhay nito na hinanap niya ang kanyang ama o naghanap ng father figure.

Sagot ng teen star, “Lately po, parang nagwa-wonder lang ako, ano kayang feeling ng buo 'yung pamilya.”

Nilinaw rin ng aktres na nais niya lamang makilala ang kanyang ama at wala siyang nararamdaman na galit dito.

“Pa, kung nasaan ka man, mag-iingat ka lagi. Hindi ako galit sa'yo, gusto lang kitang makilala pero kung hindi man pagbibigyan ng chance, okay lang din. Mag-iingat ka lang,” aniya.

Bago natapos ang panayam, tinanong din ni Tito Boy sina Hailey at ang kanyang co-stars kung mayroon ba silang nais itanong sa kanilang mga tatay.

“Ayaw mo ba talaga akong makilala?” tanong ni Hailey para sa kanyang ama.

Kasalukuyang mapapanood si Hailey sa Underage, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Afternoon Prime at Pinoy Hits - Channel 6 ng GMA Affordabox at GMA Now.

Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.

SILIPIN ANG RECENT OUTDOOR PHOTOSHOOT NI HAILEY MENDES SA GALLERY NA ITO.