GMA Logo Rufa Mae Quinto
What's on TV

Rufa Mae Quinto masayang magbalik showbiz: 'Parang ang lungkot kapag hindi ako nagpapatawa'

By Jimboy Napoles
Published March 7, 2023 1:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

10,000 cops deployed in C. Visayas to secure Christmas celebration
Luis Pablo is finally home — and a champion: ‘Feels good to win it with La Salle’
Straight from the Expert: Lechon after the celebration (Part 2)

Article Inside Page


Showbiz News

Rufa Mae Quinto


Inamin ni Rufa Mae Quinto na na-miss niya rin ang buhay artista nang pansamantala niya itong iwan nang manirahan siya sa Amerika kasama ang kanyang pamilya.

Masayang humarap sa isang one-on-one interview ang comedienne-actress na si Rufa Mae Quinto sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, March 6.

Sa kanyang panayam sa TV host na si Boy Abunda, ikinuwento ni Rufa Mae ang isa sa mga dahilan ng kanyang pagbabalik sa show business sa Pilipinas.

Ayon kay Rufa, nakapag-adjust na rin siya at ang kanyang pamilya sa kanilang buhay sa Amerika. Sa katunayan, nakapagpatayo na rin siya doon ng sarili niyang production company at nagbabalak pa siyang humanap ng ibang trabaho pero sinabi ng kanyang asawa na si Trevor Magallanes na mag-focus na lamang siya sa pag-aartista.

Kuwento niya, “Hindi pa 'ko nagtatrabaho, pero gusto kong mag-produce kasi nagtayo rin ako ng production company doon e, Mabuhay Production. Plano ko rin sanang mag-real estate kasi kung bibili rin kami ng bahay gusto ko may alam din ako sa ganun, pero sabi naman ni Trev, 'Mag-focus ka lang sa showbiz.'”

Sumang-ayon naman si Rufa sa sinabi ng kanyang asawa dahil tingin niya ay kailangan din ang mga tulad niyang komedyante sa show business.

Aniya, “Sabi ko, 'Oo nga no, 'yun na muna,' kasi I feel na may obligasyon din ako sa showbiz kasi awa ng Diyos nami-miss din nila ako at saka parang feeling ko kailangan din ng ganito 'yung parang tanga, charot.”

Dagdag pa niya, “Paanong hindi ko mami-miss 'yung trabaho ko sabi ko, kahit kailan, 'yun ako araw-araw, walang kuwenta 'yung mga sinasabi ko na 'yung joke. Sabi ko parang ang lungkot kapag hindi ako nagpapatawa, kapag 'di kayo tumatawa, serious, alam mo 'yun? Kaya gusto ko mag-showbiz kasi ang role ko rin comedienne din.”

May 2022 nang magbalik-Kapuso si Rufa nang pumirma siya ng management contract kasabay ng "Signed for Stardom" event ng Sparkle GMA Artist Center.

Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.

SAMANTALA, BALIKAN ANG NAGING BUHAY NI RUFA AT NG KANYANG PAMILYA SA AMERIKA SA GALLERY NA ITO.