
First time sa isang panayam, inamin ni Liza Soberano sa kanyang exclusive interview sa Fast Talk with Boy Abunda na hindi niya pinangarap na maging isang artista.
Ikinuwento ng aktres sa TV host na si Boy Abunda na sa murang edad ay napilitan siya na pasukin noon ang show business para sa kanyang pamilya.
Aniya, “Hindi ko po pangarap maging artista. I had to be an artista para mapaaral ko ang sarili ko, para mapaaral ko ang kapatid ko, para mabuhay ko ang family ko - and I think that's one thing na hindi alam ng maraming tao. I think that they assumed na gusto kong maging artista ever since I was a kid which is not true kasi It came from need, a necessity. I needed to make money for my family.”
Ayon kay Liza, dahil bata pa lamang ay nagtatrabaho na siya, hindi niya na nagawang mamuhay tulad ng mga normal na kabataan.
“I started as a child, so hindi po ako nagkaroon ng chance, ng pagkakataon na mag-grow into myself as an adult. I didn't get to experience things that normal kids get to experience because I started working at an early age,” anang aktres.
Batid din ni Liza na hindi lamang siya ang nakaranas na maagang makipagsapalaran sa trabaho para matulungang maitaguyod ang pamilya.
“Hindi po normal 'yun. It's not a normal thing but I'm sure there's a lot of people that can relate, marami pong bata na napilitang magtrabaho nang maaga para maging breadwinner para sa mga pamilya nila and that's exactly what happened with me,” sabi ni Liza.
Paglilinaw naman ni Liza, grateful siya sa lahat ng naranasan niya sa kanyang career dahil ito ang naging daan para mapag-aral niya ang kanyang kapatid at mabigyan ng sariling bahay ang kanyang pamilya sa Pilipinas at sa Amerika.
Aniya, “Yes, I admit, I agree to everything that is happening, and this is not about what's right or what's wrong, it's just I didn't get to grow up normally like other people, and I'm not complaining, I'm very grateful for everything that I experienced.
“Dahil diyan, napaaral ko [ang] sarili ko, nakatapos ako ng high school. Dahil diyan, nakabili ako ng bahay para sa family ko -- here in the Philippines and for my grandparents that are living in the States.”
Taliwas din sa naging dating sa publiko ng kanyang vlog, nilinaw ni Liza na grateful siya sa lahat ng naitulong ng kanyang dating management at sa lahat ng kanyang nakatrabaho.
“I'm so grateful for that, kasi I was able to do things that, at such a young age... I would have never been able to do if not for this job, if not for ABS-CBN, [if not] for Tito Ogie, if not for Quen (Enrique Gil). Di ba?” saad ni Liza.
"Pero, I just needed to state that I didn't get to become or discover myself on my own terms. I had to do it with the whole country looking at me, and [with] other people telling me, what was good for me and what was not good for me," dagdag pa niya.
Matapos ito, idinetalye pa ng aktres kung paano siya tumanggi noon sa alok na pagpasok sa show business at kung paano rin siya tuluyang napunta rito dahil sa nangyari sa kanilang pamilya.
Kuwento niya, “Noong 10 [years old] po ako, that's when I first came to the Philippines, may lumapit na po sa akin para mag-Goin Bulilit and me and my dad -- we had a really big fight kasi ayoko. I was a very shy girl, I was very boyish and I didn't know how to speak Tagalog.
“I wasn't really expecting na magtatagal po ako dito sa Philippines akala ko po babalik din po ako agad sa States. Pero nagtagal po ako dito dahil nagkasakit po 'yung lolo ko sa States, the ones who I call mommy and daddy, my parents - and hindi po nila ma-afford na ibalik kaming dalawa ng kapatid ko sa States and so I was forced to work because I wanted to go back to the States.”
Paglilinaw ni Boy, “'Yun ang dahilan kung bakit pumasok ka sa pag-aartista? Pinilit ka ng pagkakataon?”
“Yes,” sagot ni Liza.
Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.