GMA Logo Josh Ford
Source: joshford321 (Instagram)
What's on TV

Josh Ford, nagpapagaling matapos ang aksidente kasama ang kapwa Sparkle artist na si Andrei Sison

By Jimboy Napoles
Published March 29, 2023 10:34 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Hirit Livestream: December 26, 2025
Christmas not the same for all, calamity survivors show
New season of 'The Boyfriend' airs in January 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Josh Ford


Nakauwi na sa kanilang tahanan is Josh Ford upang tuloy-tuloy na magpagaling at sumailalim sa counseling.

Kasalukuyang nagpapagaling ang young actor na si Josh Ford matapos ang kinasangkutan nilang car accident ng kapwa Sparkle artist na si Andrei Sison.

Matatandaan na nito lamang March 24 nang pumutok ang balita na naaksidente ang sinasakyang auto nina Josh at Andrei kasama ang kanilang mga kaibigan na sina Paulo Bueza at Arman Velasco sa Matandang Balara, Quezon City.

Sa kasamaang palad, idineklarang dead on arrival sina Andrei, Paulo, at Arman nang isugod sila sa ospital.

Ayon sa isang report, sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting in multiple homicides, serious physical injury, at damage to property ang driver ng isang sasakyan na si Jeremiah Lopez na naka-engkwentro ni Josh at mga kaibigan niya.

Ilang araw naman matapos ang nangyaring aksidente, ibinalita ngayon ng TV host na si Boy Abunda sa kaniyang programa na Fast Talk with Boy Abunda na nakauwi na sa kaniyang tahanan si Josh upang tuloy-tuloy na magpagaling at mag-undergo ng counseling.

“The lone survivor of this accident na si Josh Ford ay nakauwi na po sa kanilang bahay. He is now at home recuperating and he will be seeking professional counseling to get over this traumatic experience,” saad ni Boy.

Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.