
Hinangaan ang pagiging totoo ni Radson Flores sa panayam sa kanya ni Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda noong Biyernes, March 31.
Dito inamin ng 23-year-old Sparkle artist na nakaramdam siya ng pressure bilang baguhang artista nang mapabilang sa lead cast ng inaabangan at binansagang most expensive show ng GMA na Voltes V: Legacy.
Pagbabahagi niya, "It was an insane pressure talaga especially 'yung sa first lock-in po namin sa Voltes V. Although nakapag-workshop naman po ako and natulungan naman po ako ng acting coach namin, 'yung horseback riding lesson para maka-in character, 'pag napunta na po kayo sa set tapos baguhan kayo, meron pong ibang klaseng feeling talaga e. It feels like you're carrying the weight of the world."
Matatandaang 2019 lamang niya pinasok ang pag-aartista nang sumali siya sa seventh season ng StarStruck.
Ayon pa kay Radson, dumating sa puntong nagpulong ang bosses sa Voltes V: Legacy dahil hindi nasa-satisfy ang mga ito sa kanyang performance bilang Mark Gordon, ang character niya sa programa.
"They were upset sa performance ko at first," pag-amin niya.
Tinanggap naman daw ni Radson ang kritisismo sa kanya, bagay na ginawa niyang motivation para mapahusay pa ang kanyang acting.
"May mga sinabi po sila sa akin na nakatulong po talaga nang sobra and after po ng talk with the bosses, I was very thankful po sa kanila kasi grabe po 'yung confidence ko ngayon, 'yung in-improve ko po ngayon sa acting, pakikitungo ko with the people around me."
Bukod sa level up na pag-arte, proud na ibinahagi ni Radson na bumukod na siya ng tirahan sa kanyang mga magulang para matutunan niyang mamuhay nang solo.
"Pinakamahirap ko pong ginawa is when bumukod po ako sa parents ko, specifically, sa dad ko po kasi my mom is living abroad.
"Kasi growing up, I was really sheltered and na-feel ko po na parang wala ako masyadong experience in the real life. I feel like hindi pa ko naha-humble masyado sa totoong buhay.
"Kumbaga, pagdating sa mga bills, chores, everyday 'yung gigising ka, magluluto ka, gano'n."
Paano niya ito nagagamit kapag nasa set siya ng Voltes V: Legacy?
Tumatawang sagot ni Radson, "Kapag may scenes po kami na ito 'yung hinihinging emosyon, usually 'pag heavy scenes ko po ito nagagawa, parallel po s'ya doon sa experience ko when I'm living alone. Naaalaala ko lang na kailangan kong bayaran 'yung kuryente, 'yung rent."
Panoorin ang buong panayam ng King of Talk kay Radson sa video na ito:
SAMANTALA, KILALANIN PA SI RADSON FLORES SA GALLERY NA ITO: