'First Lady': Sneak peek at Melody's birthday celebration

Sa episode mamaya ng 'First Lady,' ise-celebrate ni Melody (Sanya Lopez) ang kanyang birthday sa kauna-unahang pagkakataon bilang First Lady.
Siyempre, dumalo sa party ang pamilya ni Melody na sina Nanay Edna (Sandy Andolong), Gemrose (Analyn Barro), at Lloyd (Jerick Dolormente).
Kasama rin si President Glenn (Gabby Concepcion) at ang kanyang inang si Blesilda (Pilar Pilapil) at mga anak na sina Nina (Cassy Legaspi), Nathan (Clarence Delgado), at Nicole (Patricia Coma).
Dahil walang ideya si Melody sa nakaraan ni Glenn, inimbita niya rin si Ingrid (Alice Dixson).
Ano kaya ang magiging reaksyon dito ni Glenn at ng kanyang inang si Blesilda?
Narito ang pasilip sa birthday celebration ni Melody sa 'First Lady,' mamayang 8 p.m. sa GMA Telebabad.








