What's on TV

Sanya Lopez at Gabby Concepcion, may ibinunyag tungkol sa teaser ng 'First Lady'

By Aaron Brennt Eusebio
Published February 1, 2022 6:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal lost with jet carrying Libyan army chief over Ankara, Turkey says
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

sanya l


Ano kaya ang ibubunyag nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion tungkol sa 'First Lady'? Panoorin dito:

Umamin sina Sanya Lopez at Gabby Concepcion na wala sa original script ang teaser ng First Lady, kung saan makikitang nagha-honeymoon ang kanilang mga karakter nilang sina Melody at President Glenn Acosta.

Kuwento ni Sanya sa report ni Lhar Santiago sa 24 Oras, ideya ng kanilang direktor na si L.A. Madridejos ang nasabing eksena.

"Si Direk LA ang nagdagdag talaga nun. Siyempre, after ng kasal, ang mga tao nakaabang kung anong mangyayari kay President Glenn at Melody. So, dapat nilang abangan 'yun dahil talagang nakakatawa, nakakakilig," ani Sanya.

Panoorin ang teaser na tinutukoy ni Sanya:

Bukod sa honeymoon nina Melody at President Glenn, dapat ring abangan sa First Lady ang mga bagong karakter na ginagampanan nina Alice Dixson, Isabel Rivas, Francine Prieto, at Samantha Lopez.

Dagdag ni Sanya, "Mabilis naman kami, kumbaga, naging close agad. So, mabilis rin po silang pakisamahan. 'Yung mga akala namin na hindi hindi namin pwedeng biruin, nakakabiro po naming lahat."

Ayon naman kay Gabby, dapat abangan ng mga tao kung anu-ano ang magiging papel ng mga bagong karakter sa buhay nina Melody at Glenn bilang mag-asawa.

Aniya, "'Yung mga bagong pasok, very significant 'yung role nila. In fact, sa mga weeks na dadating, sila 'yung aangat dito, kasama si Alice, maganda 'yung role niya dito."

Mapapanood ang First Lady, ang sequel sa number 1 program ng 2021 na First Yaya, sa February 14 sa GMA Telebabad.

Samantala, balikan ang naging lock-in taping ng First Lady dito: