GMA Logo First Lady
What's on TV

Gabby Concepcion, may patikim sa mangyayari sa karakter ni Melody sa 'First Lady'

By Aedrianne Acar
Published February 12, 2022 11:21 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Massive fire kills 6 in Pakistan’s Karachi, destroys shopping center
No classes in Cebu City, province after Sinulog festivity
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

First Lady


Mark your calendars, mga Kapuso! Abangan ang world premiere ng 'First Lady' sa Araw ng mga Puso, February 14, na mapapanood sa love n'yong GMA Telebabad.

Itotodo na ng GMA Network ang kilig sa primetime, dahil mangyayari na ang world premiere ng highly-anticipated primetime soap na First Lady na pinagbibidahan nina Gabby Concepcion at Sparkle star Sanya Lopez.

Sakto ang pagbabalik ni President Glenn Acosta at Melody na Valentine's gift ng GMA-7 para sa lahat na loyal Kapuso.

Sa panayam kay Sanya Lopez sa 24 Oras kagabi, February 11, meron itong ibinahagi sa mangyayaring honeymoon nina Glenn at Melody. Ano kaya ito?

Saad ni Sanya, “Ang mga tao nag-aabang ng honeymoon, so for sure may magaganap ano bang mangyayari kay Glenn at kay Melody kapag nag-honeymoon sila. So, ang mga tao ay kikiligin at sigurado akong matutuwa at sasaya ang buong pamilya.”

Dapat abangan din ng mga viewers ang mas lalong gumagandang storyline sa First Lady. Ito ang binida ng Kapuso leading man na si Gabby Concepcion.

Kuwento niya, “Ngayong First Lady na siya, hindi na siya First Yaya. So, iba naman ang magiging takbo ng istorya, pero nandito pa rin sa realm na nangyayari sa pamilya ang concentration.

“May political side pa rin, pero more on 'yung mga nangyayari kay Melody, kay Glenn, sa mga bata.”

Tara na at tiyak mapapa-“oxygen please” kayo sa tawanan at sweet moments ng primetime series na First Lady, simula February 14 sa hindi mapantayan na GMA Telebabad!

Heto ang pasilip sa bonding moments ng cast ng First Lady sa gallery below.