What's on TV

'First Lady,' pataas nang pataas ang ratings!

By Aaron Brennt Eusebio
Published February 17, 2022 6:39 PM PHT
Updated February 18, 2022 11:27 AM PHT

Around GMA

Around GMA

'Scared? Spill!' with Sanya Lopez and Jon Lucas
Senators eye higher pay for barangay officials, workers
Take a look at the holiday schedule of Intramuros sites

Article Inside Page


Showbiz News

First Lady


Maraming salamat, mga Kapuso!

Habang tumatagal, parami nang parami ang mga tao na nanonood ng First Lady, ang sequel sa number one program ng 2021 na First Yaya.

Sa pilot episode ng First Lady noong Valentine's Day, nakakuha ito ng 14.4 percent combined ratings, ayon sa NUTAM People Ratings, mas mataas sa nakuha ng katapat nitong palabas na Ang Probinsyano na nakakuha lamang ng 10.1 percent.

Sa ikalawang episode ng First Lady, mas tumaas pa ang ratings nito dahil nakakuha ito ng 14.8 percent.

Kahapon, February 16, lumaki pa lalo ang lamang ng First Lady sa Ang Probinsyano dahil nakakuha ito ng 15.5 percent ratings kumpara sa 10.4 percent.

Umiikot ang kuwento ng First Lady sa buhay ni Melody (Sanya Lopez), dating yaya na ngayon ay First Lady na nang pakasalanan niya si President Glenn Acosta (Gabby Concepcion).

Dahil hindi sanay sa marangyang buhay si Melody, paano niya kaya magagampanan nang maayos ang pagiging First Lady?

Mapapanood ang First Lady, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras. Napapanood din ang First Lady overseas sa GMA Pinoy TV.

Samantala, kilalanin ang mga bagong karakter na magpapamahal, magpapakilig, at magpapainis sa First Lady: