
Maganda ang naging simula ng inaabangang GMA Telebabad series na First Lady.
Unang linggo pa lang ay panalo na agad sa ratings ang First Lady dahil nakakuha ito ng average rating na 14.4%, mas mataas kumpara sa katapat nito na nakakuha lamang ng 10.3%.
Bukod dito, masaya rin ang netizens sa muling pagbabalik-telebisyon ng istorya nina President Glenn at Melody.
Tweet ng isang manonood, “Salamat po sa isang linggong pagpapakilig, pa papatawa at pag papaiyak First Lady fam!"
Ang ganda ng premiere ng First Lady, dami na agad emosyon na naipakita kilig, saya, lungkot, inis at pagmamahal. #FirstYayaIsNowFirstLady Sanya Lopez@sanya_lopez @SanyaWarriors
-- marydivineee (@divine_guan) February 14, 2022
Ang ganda ng premiere ng First Lady, dami na agad emosyon na naipakita kilig, saya, lungkot, inis at pagmamahal. #FirstYayaIsNowFirstLady Sanya Lopez@sanya_lopez @SanyaWarriors
-- marydivineee (@divine_guan) February 14, 2022
#FirstLadyVsTheQueen
-- JJ Azerven (@jj_azerven) February 16, 2022
ung stress kna pero ang ganda mo parin we love you madam first lady@sanya_lopez pic.twitter.com/KswOkVdwqk
"Mahal na mahal kita, Mahal ko" Ang daming mahal ah kilig much!!!#FirstLadyHilingNgQueen@sanya_lopez @SanyaWarriors pic.twitter.com/NXzbfHO6S3
-- ᴊᴀᴍᴍɪɴᴇᴇᴇᴇᴇ (@jammine_maniaul) February 17, 2022
salamat po sa isang linggong pag papakilig ,pag papatawa at pag papaiyak firstlady fam !! keep it up pooo !! see u on monday ulit 💜💜💜@sanya_lopez@thia_thomalla @thou_ism @akosi_LA @SanyaWarriors #FirstLadyDisguise
-- klowi_gabsan (@klowi_gabsan) February 18, 2022
Sa unang linggo ng First Lady ay nakita na ng mga manonood ang buhay ni Melody Reyes-Acosta (Sanya Lopez) bilang First Lady ng Pilipinas.
Nagsimula ang kuwento nina Melody at President Glenn Acosta (Gabby Concepcion) sa kanilang honeymoon bago sila makipagkita sa hari ng Madiviano Ponte.
Talagang pinag-aralan ni Melody at ng mga anak ni President Glenn na sina Nina (Cassy Legaspi), Nathan (Clarence Delgado), at Nicole (Patricia Coma) ang tamang pakikipagsalamuha nila sa hari.
Ipinakilala rin kay Melody ang tatlong dating First Ladies na sina Allegra (Isabel Rivas), Soledad (Francine Prieto), at Ambrocia (Samantha Lopez) upang makatulong sa kanyang bagong role.
Dahil kabado si Melody sa kanyang paglalakad, hindi niya inaasahang matapilok at mapahawak sa hari ng Maldiviano Ponte.
Kaugnay nito, napaaway sina Nina, Nathan, at Nicole sa paaralan dahil may isang estudyante na ipinagkakalat ang trending na video ng pagkadapa ni Melody.
Samantala, lumipat naman sa bagong bahay ang pamilya ni Melody na sina Nanay Edna (Sandy Andolong), Gemrose (Analyn Barro), at Lloyd (Jerick Dolormente).
Sa pagbisita nina President Glenn at First Lady Melody sa Madiviano Ponte, malamig ang naging pagtanggap sa kanila ni Queen Olga, lalung-lalo na kay Melody.
Natatakot kasi si Queen Olga na akitin ni Melody ang hari katulad nang ginawa niya diumano kay President Glenn noong yaya pa lamang siya nito.
Habang nasa Madiviano Ponte ang presidente, nag-rally ang overseas Filipino workers doon, kabilang ang ilang kaibigan ni Melody.
Upang makita ang kanyang kaibigan na hinuli dahil sa pagra-rally, tumakas si Melody mula sa palasyo kasama ang kanyang bodyguard na si Val (Thia Thomalla).
Pagbalik ni Melody sa palasyo, nahuli siya ni Queen Olga. Sa halip na magalit, pinakiusapan niya si Melody na tulungan siyang lumabas nang walang kasamang bodyguard.
Dahil hindi alam ni Melody ang gagawin, naisip niyang muling ibalik sa panganay na anak ni Glenn na si Nina ang pagiging First Lady.
Hindi naman pumayag si Glenn sa gustong mangyari ni Melody dahil para sa kanya, si Melody ang perfect First Lady.
Samantala, walang nagawa si Melody kung hindi pagbigyan ang kagustuhan ni Queen Olga na makalabas ng palasyo na walang kasamang bodyguards.
Nang malaman ito ng hari, agad niyang pinagbintangan si Melody na siya ang nagplano ng pagtakas ni Queen Olga.
Mapapatawad kaya ng hari ng Madiviano Ponte si Melody sa pagtulong nito kay Queen Olga? Ano ang magiging reaksyon ni President Glenn dito ngayong nakasalalay ang buhay ng mga OFW?
Patuloy na subaybayan ang First Lady, ang sequel sa number one program ng 2021 na 'First Yaya,' Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.
Samantala, kilalanin ang mga bagong karakter sa First Lady rito: