
May patikim ang batikang aktres na si Alice Dixson kung ano ang magiging papel ng kanyang karakter sa First Lady na si Ingrid Domingo sa buhay ng mag-asawang President Glenn Acosta (Gabby Concepcion) at First Lady Melody Reyes (Sanya Lopez).
Sa episode kagabi, February 21, ay nauna nang nakita ng mga manonood si Alice bilang Ingrid.
"May pagka-outlandish 'yung kanyang outfits, she really likes to dress up in style. She really tries to impress people as much as possible. She's also a former beauty queen and also Glenn or PGA's ex," pagbahagi ni Alice sa kanyang karakter sa panayam ni Aubrey Carampel sa 24 Oras.
Dagdag ni Alice, inaasahan na niya na kaiinisan ng mga manonood ang kanyang karakter dahil sa naging relasyon at magiging relasyon niya kay President Glenn.
Aniya, "There's a past and let's see na lang if there's a future."
"I'm also receiving a lot of messages on my social media that they're 'Team Ingrid,' they can't wait for her to come out, and they wanna see what her character is gonna be like. Surprise na lang."
Ano kaya ang magiging relasyon ni Ingrid kay President Glenn?
Patuloy na panoorin ang First Lady, ang sequel sa number one program ng 2021 an First Yaya, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.
Samantala, muling balikan ang nangyari sa episode kagabi sa mga larawang ito: