
Masayang-masaya si Rocco Nacino na muli niyang nakatrabaho ang dati niyang on-screen partner na si Sanya Lopez sa top-rating GMA Telebabad series na First Lady.
Ayon kay Rocco, wala silang naging ilangan ni Sanya nang magkaroon sila ng eksena. Huli pa kasi silang nagkasama noong 2028 sa Haplos.
"First time ko makakatrabaho si Gabby, and si Sanya, proud to say na siya 'yung una kong katambal noong 'Encantadia,' that was five years ago," saad ni Rocco.
"So it's nice to see how much Sanya has grown and I'm very, very excited na makita kung paano umatake si Sanya sa mga eksena ngayon, and seeing the success of 'First Lady,' very excited ako sa magiging ganap dito.”
"Although medyo kapa pa ako kasi kakatapos ko pa lang ng heavy drama na series so matagal kong kausap si Direk L.A. [Madridejos] as to how to attack this character," aniya.
Sa First Lady, gagampanan ni Rocco si Mayor Moises, ang guwapong rising star mayor na may mataas na political ambition.
Dagdag ni Rocco, "But nung in-offer sakin, very interesting, I like kung ano ang maibibigay ni Mayor Moises."
Para naman kay Sanya, masaya siya na muling makatrabaho ang dating ka-love team matapos ang ilang taon.
Saad niya, "I'm very excited na makatrabaho ulit si Rocco kasi medyo matagal-tagal na rin po kaming hindi nakapagsama."
"Siya po 'yung pinakamarami kong teleserye na ka-partner ko si Rocco so excited po kami,” dagdag ni Sanya.
Na-link noon sina Rocco at Sanya sa isa't isa pero paliwanag ni Rocco ay matagal nang naayos ang gusot sa pagitan nilang dalawa.
Sa katunayan, very suupportive ang asawa ni Rocco na si Melissa Gohing sa muli nilang pagsasama sa iisang proyekto.
Aniya, "Kung hindi siya supportive, wala po ako dito, hindi ko po tatanggapin 'to kasi nirerespeto ko rin kung ano mararamdaman niya."
"But she's very supportive, alam niya kung trabaho, trabaho. And kilala naman niya si Sanya, she's met her a few times already. Wala namang problema, she was actually excited for me na makapasok ako dito sa serye na 'to," pagtatapos ni Rocco.
Panoorin ang First Lady, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.
Samantala, kilalanin ang mga bagong karakter na dapat abangan sa First Lady rito: