GMA Logo sanya lopez and boboy garrovillo
What's on TV

Sanya Lopez, todo hataw kasama ang kanyang 'Tatay Florencio' na si Boboy Garrovillo

By Aaron Brennt Eusebio
Published March 9, 2022 5:50 PM PHT
Updated March 9, 2022 7:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Nine Cavs hit double figures during blowout of Pelicans
This show from Seoul features dashing oppas and will debut in Manila
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes

Article Inside Page


Showbiz News

sanya lopez and boboy garrovillo


Nakaaaliw ang dance video ng magtatay sa 'First Lady' na sina Sanya Lopez at Boboy Garrovillo! Panoorin dito:

Marami ang natutuwa sa mag-amang Melody at Florencio Reyes sa top-rating GMA Telebabad series na First Lady, na ginagampanan nina Sanya Lopez at Boboy Garrovillo.

Sa First Yaya pa lang ay namatay na si Tatay Florencio, ngunit nakikita pa rin siya ng anak niyang si Melody lalo na tuwing may problema ito.

Bukod sa mga binibigay na advice ni Tatay Florencio kay Melody ay kinatutuwaan rin ng mga manonood ang kanyang mga suot na damit.

Ngayon, masaya ang mga manonood ng First Lady dahil bukod sa telebisyon ay napanood nila ang tandem nina Sanya at Boboy sa pamamagitan ng isang YouTube video.

Sinayaw nina Sanya at Boboy ang orihinal na kanta ng SexBomb Girls na "Sumayaw Sumunod."

Sulat pa ni Sanya, "Baka tatay ko 'yan."

A post shared by Sanya Lopez (@sanyalopez)

Hindi lang netizens ang naaliw sa sayaw nina Sanya at Boboy dahil pati ang kanilang co-stars sa First Lady ay natuwa rin sa kanilang napanood.

Mapapanood ang First Lady, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.

Samantala, kilalanin pa ang mga karakter ng First Lady sa gallery na ito: