
Bukod sa pagiging magkatrabaho, pamilya na rin ang naging turingan ng cast members ng top-rating GMA Telebabad series First Lady na sina Sandy Andolong at Analyn Barro.
Sa teleserye ay gumaganap na mag-ina ang mga karakter nina Sandy at Analyn na sina Nanay Edna at Gemrose. Sa likod ng kamera, parang mag-ina pa rin ang turingan ng dalawa.
Nahuli ng kanilang co-star na si Shyr Valdez kung paano alagaan ni Sandy si Analyn. Sa video, makikitang tinatalian nito ng buhok si Analyn habang nagse-cellphone ito.
Sulat ni Shyr, "I love the way they take care of each other. Believe me when I tell you they are Mother and Daughter behind the camera."
"To work with Nanay Sandy gives us the pleasure to be cared for this way just the same. Love you Nay."
Nagpasalamat naman si Analyn sa pagmamahal na binibigay ni Sandy sa kanya.
Sulat niya, "I love you Nay. On and off set."
Mapapanood ang First Lady, Lunes hanngang Biyernes, sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.